Pagsusuring Pampanitikan sa Takipsilim sa Dyakarta

 

Mga Tauhan at Karakterisasyon:

Raden Kaslan - mayaman ngunit matapobre na nagmamay-ari ng mamahaling kotse na Cadillac, kasintahan ni Fatma, matalim ang tabas ng dila

Fatma-maluhong kasintahan ni Raden Kaslan

Fatma na nakasuot ng magarang damit, gintong step-in at buhok na kaaayos lang sa parlor

Pak Idjo - kutsero na malimit makatulog sa tuwing nagmamaneho, may  sakit na malaria at mag-isang naghahanapbuhay para sa pamilya at mga anak

Banghay:

I.                 Eksposisyon

Dapithapon na sa isang restawran sa Dyakarta nang pumarada sa harapan nito ang isang mamahaling kotse na Cadillac ni Raden Kaslan, isang mayamang may kasintahang nagngangalang Fatma na nagtataglay ng maluluhong gamit. Maaliwalas ang panahon habang sila ay abalang nag-aasap sa isang mesa sa labas ng hardin na malayo sa karamihan.

II.               Rising Action

Nakadalasan na ni Pak Idjo na makatulog dulot ng sakit sa tuwing ibinibiyahe ang kanyang kalesang hatak-hatak ng isang may edad na rin na kabayo. Humihinto naman ang kabayo sa tuwing may paparang pasahero o 'di kaya'y dahil sa traffic. Sa araw na iyon, dapithapon na ngunit wala pa ring pasahero si Pak Idjo sa kanyang kalesa.

III.              Climax

Habang naglalakbay sa kalsada ang kalesa, bigla na lamang may asong tumalon mula sa bakod ng isang bahay na nagdulot ng pagkagulat sa kabayo kung kaya't ito ay natumba sa kalsada. Sa kasawiang palad, ang gilid na poste ng kalesa ay tumama at nagdulot ng pagkabasag sa bintana at pinsala sa pintura at chromium ng sasakyan ni Raden Kaslan. Bunsod ng galit ay pinagsalitaan at pinagbantaan nito si Pak Idjo at kalaunan ay tumawag ng pulis.

IV.             Falling Action

Nang dumating ang mga pulis upang ayusin ang nangyari, nagtanong ito tungkol sa insidente na siya namang inamin ni Pak Idjo ang pagkakasala. Ngunit, kanyang binigyang-linaw na siya ay nakatulog lamang dahil sa sakit na kaniyang pinatunayan at wala siyang pangbayad sa danyos na nadulot sa kotse ni Raden Kaslan.

V.               Resolution

Bunsod ng nangyaring usapan, walang nagawa si Raden Kaslan at ipinagsawalang bahala na lamang ang nangyari sapagkat wala rin namang maibabayad si Pak Idjo sa pinsalang naidulot nito sa kanyang sasakyan. Matapos yaon ay bumalik na sila sa restawran ni Fatma na may halong poot sa nangyari.

 

Nagpapahayag ng show don't tell principle:

1. Naupo sila sa hardin sa harap ng restawran, sa isang mesang nakahiwalay sa karamihan.

2. Wala pang pasahero si Pak Idjo buong maghapon hanggang sa makatulog, hanggang sa makatulog na siya sa gutom.

3. Magsasalita sana siya, pero hindi lumabas sa kanyang nangangatog na mga labi ang boses niyang nanginginig sa takot at pagdurusa.

4. Patuloy lamang ang mga kamay niya sa paghimas ng ulo ng kabayo.

5. Nagbalik sa isip ng matanda ang kanyang nayon, ang tunog ng baril at ang lumulusob na mga tulisan na siyang dahilan kung bakit napilitan silang tumakas at magkanlong sa siyudad.




Comments

Popular Posts